Wednesday, August 13, 2014

KC: Hindi ko po anak ang mga kapatid kong sina Miel at Miguel.

Manila Philippines - Nasasaktan at nao-offend si KC Concepcion sa mga tsismis noon na nabuntis siya at
nagpalaglag sa Amerika. Hindi rin daw niya ikinatuwa ang kumalat na balita sa social media a few months ago na siya raw ang tunay na ina ng nakababata niyang mga kapatid na sina Miel at Miguel.
Sa presscon ng ikalawang yugto ng number one series sa Primetime Bida ng ABS-CBN na Ikaw Lamang kung saan isa nga si KC sa mga bagong papasok na karakter, sinabi ng TV host-actress na paulit-ulit na lang ang isyu sa kanya ng pagbubuntis.
“Yung buntis issue since 18 years old ako, kapag lumalabas ako ng bansa ay buntis ako at kapag payat akong bumabalik ay nagpa-abort. Tapos si Miel naman daw po ang anak ko at binayaran ang press na itago ang rumors.
Tapos ngayon hindi na si Miel si Miguel naman daw. Sabi ko nga, mga Pangilinan ang mukha nakakadiri namang isipin,” pahayag ng dalaga.
Sey pa ng aktres na gaganap bilang Natalia sa Ikaw Lamang na siya ngang magiging kapatid ni Kim Chiu, “Nasasaktan po actually.
Kasi kapag dumarating na sa point na yung family na yung ano, kasi nabi-brainwash ng mga tao, parang naririnig nila lagi at kapag sila na yung nagtanong doon nagiging personal kasi parang iba na yon.
Kunwari pinag-uusapan at naririnig na nina Frankie sa school parang di na nakakatuwa yung personally naa-affect na yung family.”
Samantala, magkahalong nerbiyos at excitement ang nararamdaman ngayon ni KC sa pagsabak niya sa isa namang challenging role sa Ikaw Lamang.
Aniya, mas pagbubutihin daw niya ang kanyang trabaho ngayon para hindi mapahiya sa mga tao. Bukod kay KC, mapapanood din sa book 2 ng serye sina Christopher de Leon, Joel Torre, Rio Locsin, Nonie Buencamino, Amy Austria, Mylene Dizon, Smokey Manaloto, Arlene Muhlach at marami pang iba. Ito’y sa direksiyon pa rin nina Malu Sevilla, Manny Palo at Avel Sunpongco.
 
 
Via: Inquirer

No comments:

Post a Comment